play [time trav 3]

Scene 3

(May isang mesa sa gitna ng entablado, mga gamit ng imbentor na si Character D. May isang whiteboard diagram rin ng isang time travel device sa may mesa.)

(Naglalakad si D ng paulit-ulit sa entablado, kumakagat sa kanyang bolpen, at nakatingin sa aklat na nasa kanyang kamay, minsan naman ay sumusulyap sa whiteboard at binabago ang diagrams nito.)

D: Mali! (itatapon niya ang libro sa sahig. Bubunot siya ng sigarilyo mula sa bulsa at sisindihan ito. Sasandal siya sa mesa.) Kung maibabalik ko lang sana ang panahon.

(Biglang susulpot si C galing sa ilalim ng mesa, nahihilo.)

Sino ka?

C: Nasan ako?

D: Nandito. Pano ka nakapasok?

C: Hindi ko alam. (masusuka ito.) (lalapit si D kay C, at papaupuin ito)

D: Okey ka lang?

C: Mukha ba akong okey? (masusuka ulit)

D: Bakit? (ilalapat ang basurahan sa harapan ni C) (susuka si C)

C: Nasa floor ako kanina, sa shift ko. (Habang magpapaliwanag si C, ang mapapansin lamang ni D ay ang suot ni C, at titingin-tingin siya sa whiteboard) Tapos biglang –

D: San mo to nakuha?

C: Ha?

D: San mo to nakuha?

C: Hindi ko nga alam kung pano to napunta sa akin e.

D: Pano mo to nakuha?

C: Hindi – (mauubo, masusuka) ko – (mahihilo) alam!

D: Akin na nga yan!

C: Kunin mo na nga, ang baho. (titingnan ni D ang cloak at matutuwa sa nangyari) Nasaan ako?

D: Paano nakabalik sa akin ang isang bagay na hindi ko pa nagagawa?

C: Nagagawa?

D: Tama. Ginamitan ko yata siya ng microtubular processors, kinabit sa spinal cybernetics core, it might just work. Anong sinasabi ko? Gumana na nga!

C: Gumana ang?

D: (babaguhin ni D ang diagram sa whiteboard) (babasahin lang ni C ang mga isusulat ni D)

C: 3 pi? Math? Kaya nga ako nag call center eh! (masusuka)

D: Tama! Tama ang iniisip ko! Ang time space continuum ay hindi linear… ito ay spiral! Dahil sa microtubular dimensional processor, nakaya kong itraverse ang mga layers nito!

C: Ha?

D: That’s right! Makakatravel ako, through time and space! Pero (matitigilan) Paano ang coordinates? (titingin kay C) May pinindot ka ba bago ka nakarating dito?

C: Wala.

D: This only means one thing, ang prototype na ito ay random coordinate based. Hindi pa siya ang perpektong bagay na iniisip ko.

C: Ate?

D: Hindi ko siya naperpekto…

C: Ate! Pag hindi ka natutong makinig, maaari mo tong ikamatay someday!

D: Sorry, sorry. Ba’t ka ba nasusuka?

C: Hindi ko nga alam e. Teka, mukhang marami kang nalalaman sa device na to. Ano nga ba to?

D: Bunga to ng paghihirap ko, isang concept na pinag-iisipan ko pa lang ngayon.

C: Ha? Kanina pa kita hindi naiintindihan a!

D: Ganito. Time machine. Gagawin ko pa. Ikaw, nagamit mo siya, at nakabalik sa panahon na to. Ibig sabihin, nagawa ko – hinde, I’ll really make it.

C: Pano to nangyari, kung iniisip mo pa?

D: Malaki ang posibilidad na may gumamit, may gagamit nito na galing sa future at napunta to sa iyo. Naaalala mo pa ba ang mukha ng nagbigay nito sa iyo?

C: Hindi ko na maalala eh.

D: It doesn’t matter. Basta alam ko design ko to, at alam kong gumagana na ito.

C: Ate, ibalik mo na ako kung saan ako nanggaling!

D: Malaking problema. Wala pang coordinate input ang prototype na to.

C: Ha?

D: Basta. Hindi ko pa alam.

C: Ha?

D: Dapat may pattern. Dapat malaman kung ano to.

C: Iiwan mo ko?

D: Kelangan eh. Wag kang matatakot, pag nakuha ko na to, halos di ako mawawala, babalik ako sa loob ng ilang minuto lang from your frame of reference.

C: Ha?

D: Tutulungan kita.

C: Please.

(sisimulan ni D na isuot ang cloak)

D: Here goes nothing.

(Didilim sa entablado, at mawawala si D.) (Susuka si C.)

(Marius Angelo Monsanto, CW 130, Playwriting 1)

Advertisements

~ by saikow on August 27, 2007.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: