play [time trav 4]

Scene 4

Sa isang selda ng death convict.

May isang mesang puno ng tira-tirang pagkain sa gitna ng entablado. Sa dingding naman ay may orasan – ang oras ay ilang minuto bago mag alas 3.

(isang bilanggo, si E, ang nakatayo sa tabi ng mesa, nakatutok sa orasan.)

E:  Oo ser, malapit na nga.

D:  (lalabas mula sa ilalim ng mesa, nahihilo) No.

E:  Malapit na nga. Lumalabas na yata konsensya ko e.

D:  (sa sarili) Hindi pwede. Ibig sabihin, naimbento ko ang tachyon. Ibig sabihin, totoo ang spirality, mali si Forward! Mali si Hawking! Mali si Einstein! Ibig sabihin, posible ang teleportasyon! Ang time travel! Hahahaha. (mahihilo) Yosi… (bubunot ng sigarilyo mula sa kanyang bulsa at sisindihan ito. Patay sindi siya simula dito)

E:  Ser, naman. Pati ba naman konsensya ko, baliw?

D:  Information and beings separate as particles in midtravel, reassembling upon arrival to the time-space destination. Kaya pala siya nahilo… Hindi pwede… No, no, no. Teka, nasaan ako? Sino ka?

E:  Eto? Ibig sabihin di mo ko kilala?

D:  Hinde. Bakit, kailangan ba?

E:  Oo nga ano. Teka, maupo muna kayo. (bibigyan niya ng upuan si D)

D:  (sa sarili) By travelling through space-time I risk polluting the space time continuum. (mauupo) (sa sarili pa rin) Dahan dahan dapat ang kilos ng, uhm, chrononaut – oo, tama, chrononaut ang itatawag ko sa kanila – dahan dahan dapat ang kilos nito para maiwasan ang isang historical paradox. (siya ay bubunot ng isang PDA mula sa kanyang bulsa at magsisimulang mag-input ng kung anu-ano) Haha, gumagana pa siya!

E:  Ah, eh, ma’am? Maitanong ko lang po… San po ba ang punta ko pagkatapos nito?

D:  Teka. Pwede ba? (Patuloy siyang magpipipindot.)

E:  Ano po yun?

D:  (matitigilan) Wag ka munang magtanong. (magpapatuloy sa pag-input)

E:  Ah, eh, sorry po. (susubukan niyang silipin ang mga nakainput sa PDA ni D at magsasabi sa sariling:) Baka sinisingil na ako nito. Parang listahan ng jueteng, pero hightech!

D:  (huhubarin ang time cloak at ilalagay sa mesa) Sinunod niya ang disenyo ko.

E:  (lalapit sa cloak, at susubukang hawakan ito) Bagong jacket!

D:  Don’t touch that! Layo! Layo! Naku, hindi mo lang alam kung anong mangyayari sakaling mabago ang sinulid ng space time continuum?

E:  Sino ba yang continuum na yan? Ang gulo niyo namang kausap!

D:  (sa sarili) Pwede ko pa kayang mabago ang panahon? Pwede pa ba?

E:  Mam, ano po bang nangyari sa inyo?

D:  Please. Wag ka munang magulo. Sandali lang to.

E:  Eh, medyo… di bale po. Mukhang di rin po kasi kayo sigurado kung ano ang ginagawa niyo dito eh. (lilipat ng puwesto si E, tatayo at pupunta sa gawing kabila ng entablado) Eh, buti kung may oras pa.

D: (Magkakaroon ng katahimikan sa dalawa, habang titingin-tingin ang inmate sa relo) Pasensya, pasensya. Hindi ka siguro maniniwala sa akin kung sasabihin ko kung ano talaga ang sadya ko rito.

E: Hmmm. Hindi naman kailangan mam eh. (sa sarili) Dalawa lang yan e, konsensya kita, o mas modern na bersyon ni kamatayan. Weird.

D: Ha. Weird. Nasan ba ako.

E: Gusto niyo po talagang malaman?

D: Ba’t naman hinde?

E: Aba, po, eh. Baka po kasi mabigla kayo.

D: Wag na. Okey lang no. (pagmamasdan ang silid at matatawa ng kaunti sa sarili) O… kay? Kinikilabutan ako.

E: (hindi maririnig ni D ang mga sasabihin ni E) Deathrow. Matatapos na po ang lahat mayamaya. Kayo po ba ang konsensya ko?

D: (mapapatayo) Konsensya? Ano ka ba? Naku naman, hindi na ganun ang tawag sa akin, kahit ako nga, hindi perpekto e. Tawagin mo na lang akong doc. Napakarandom naman ng napuntahan ko. Hindi ko pa rin hawak ang control sa direction. Mahirap to.

E: (hindi mapapakali) Ser, ngayon na po ba talaga?

D: Sino ba kausap mo?

E: Mam, wala na kasi akong oras.

D: Ha?

E: Mamamatay na ako. Ilang minuto na lang po. Di ba pinadala ka para iligtas ako?

D: Ha?

E: Wala na akong oras. Kung isasalba mo sana ako… Kung pwede sana… Kung pwede sana magkaroon ng pag-asa ang sangkatauhan para itama ang mga pagkakamali nila… Hindi ito… Hindi ang pagpatay sa tao ang magpapabago sa kanya.

D: Seryoso ka talaga? Nasa selda ako? Mamamatay ka na? Ha?

E: Ilang minuto na lang. Narinig mo naman siguro yung tungkol sa –

D: No! Wag mong ikukuwento sa akin. The knowledge of this timeframe, wala akong dapat malaman mula sa panahong ito! Baka may mga irreversible changes sa pattern ng space-time history! Wag. Wag mong ikwento! (susubukan niyang lumayo mula kay E habang sinasabi niya ito)

E: Matanong ko lang po.

D: (irerecord ang sariling boses sa PDA device) Even if one attempts to control space-time travel, time, the universe itself will prevent itself from creating the paradoxes of history and the conservation of mass-energy, it will create a means to balance this change.

E: Totoo ba to lahat?

D: (Magpapatuloy sa pagrecord) May safety sa space dimension na napuntahan ko, dahil nasa loob ako ng selda ng isang death convict, mamamatay na siya – walang makakaalam tungkol dito, at walang magbabago sa space-time history.

E: (sa sarili) Ibig sabihin, pag sinuot ko ang ginagamit niyang jacket – dalawa lang ang pwedeng mangyari, mamamatay akong suot ito o malilipat ako sa isa pang lugar.

D: (magpapatuloy pa rin sa pagrecord) malapit nang magrecharge ang Chronocloak. Makakaalis na ako.

E: Makakaalis na ako. Oras na.

D: (sa sarili pa rin) Oras na. Alas tres, malapit na. Ilang minuto na lang. Mukhang nakukuha ko na ang pattern. Pagdating ko sa isang panahong iyon babaguhin ko ang controls.

E: Mam?

D: (sa sarili pa rin) Shit naman o. Nakakastress. No.

E: Mam? (magsisimulang lalapit si E kay D)

D: (sa sarili pa rin) Di bale. Magpaparelax na lang ako pag nakabalik ako sa panahon ko.

E: Mam?

D: Ang tagal naman. Naku, tapos magpapaspa ako. Tapos, ewan. Barhopping. God. Tawagan ang friends.

E: Mam.

D: Shit ang sakit na talaga ng ulo ko.

E: Mam. (walang reaction mula kay D.) (lalapit si E kay D at babaliin ang leeg nito, na siyang ikakamatay ni D.) MAKINIG KA KASI!!!

(magpapanic si E, at isusuot ang cloak.) (Lights fade)

(Xer Jason D. Ocampo, CW 130, Playwriting 1)

Advertisements

~ by saikow on August 27, 2007.

One Response to “play [time trav 4]”

  1. AAAhhhhhhhhmmmmmmmmmmm…………………….]
    sa tingin ko…
    dapat talagang may konsnsya ka!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: