play

Unang Tagpo

[Karakter B, papasok sa pintuan ng opisina. Nagmamadali. May hawak na Cellphone sa kanang kamay at may kausap sa kabilang linya. Didiretso sa kanyang desk at aayusin ang mga papel na nakalatag sa itaas nito. Si A ay nasa isang sulok,tahimik na nakadungaw sa bintana.]

B:    [Sa kausap sa celphone.] Yes. He was the accused. Hindi ko nga lang masyadong natatandaan ang mukha non, its been years already. [pansamantalang hihinto.]  Oo, di ba na-lethal injection na yun? [titingin sa relong nasa kaliwang kamay.] Anyway, why did you ask? What?! Nakawala?! Paan— Hello? Hello! Hello – Anak ng! Shit!

[Titingin ulit sa relo at mapapansin si Karakter A na nakatayo at nakadungaw sa bintana.]

B:     Good morning Sir! I’m sorry I’m late. What can I do for you? [Hindi papansinin ni A si B at mananatiling nakadungaw sa bintana.]

B:     Sir?  [Mananatiling tahimik si A kaya magpapatuloy sa pag-aayos ng mga gamit si B.]

A:     Ano ba’ng pakiramdam pag nanalo ka sa isang kaso?

B:     Excuse me?

A:     Siguro maganda ang pakiramdam: isang buhay na naman ang masisira kapalit ng pangalan.

B:     Teka lang ha, may pahahawakan ka bang  kaso? Kasi kung wala, I have a lot of things to take care of.

A:     [Lalapit sa desk ni B. Titingnan at hahawakan  ang  family picture na nasa desk ni B.] magandang buhay siguro ang naibibigay mo sa pamilya mo ano? Sapat na ba ‘yon para maprotektahan mo sila gaya nang pagtatanggol mo sa buhay ng iba?

B:     Sino ka ba?

A:     Alam mo na kung sino ako.

B:      Ano?! Wala akong panahon para makipaglokohan! Leave my office right now mister, or I’ll call security!!

A:     Ganyan ba talaga? Pagkatapos mong masira ang isang buhay, agad-agad mo nang makakalimutan?! Ang galing naman! Nakakatulog ka pa ba nang mahimbing? Anak ng teteng naman! Kayong mga abogado, kayu-kayo lang naman ang nakakaintindi sa gagong batas na yan!

B:     Ikaw?

A:     Nagulat ka ano?

B:    Papano?

A:     Sa talino mong ‘yan? Hindi ka rin naman maniniwala pag sinabi ko kung paano. Kahit ako nga rin eh, pero tingnan mo, andito ako ngayon! [papahina ang boses] Buhay… dahil dito.

B:     Anung kalokohan ‘yang  mga pinagsasabi  mo? Anung ibig mong sabihin? ‘yan? [ituturo ang cloak.] nababaliw ka na yata. [Titingin sa relo.] Malaking oras na ang naaaksaya ko sayo.

A:    [Mas mahinang boses.] Hindi nga rin ako makapaniwala noong una. Hindi ako makakakain ng gabing ‘yon. Ha! Sino ba namang makakakain nang mabuti sa huling oras ng buhay nila. Kung pwede ko nga lang ihinto ang takbo ng oras. Pero talagang siniswerte ako. Alam mo, sa mga panahon na ‘yon handa na akong ibigay ang kaluluwa ko sa Dyablo. At ‘yun nga, dininig ang hiling ko. binigay n’ya to sa akin.

B:     You’re talking shit! I’m just wasting my time with you! Guard!

[dali-daling pupunta sa pinto si B  ngunit mauunahan siya ni A.]

A:     Akala mo ba palalampasin ko ang pagkakataong ito? Panahon na para batas ko naman ang matikman mo!

B:     Wala akong kasalanan…wala akong atraso sa’yo. You deserved it! Tama lang na pagbayaran mo ang mga kasalanan mo!

A:     At sa tingin mo ba hindi ka nagkakasala sa mga nagawa mo?

B:     Magkaiba tayo… hindi ko kailangang pumatay para mabuhay.

A:     Eh, gago ka pala eh! Pareho lang tayo, ginagawa ang lahat para sa pera.

[Hahawakan nang mahigpit ni A ang kwelyo ng damit ni B. Sisikaping makawala ni B sa mahigpit na hawak ni A. Magtutunggali ang dalawa hanggang makarating sila sa magkabilaang gilid ng desk.]

A:     ARGH!

B:     Shit! makukulong ako… S H I T!

[May kakatok sa pintuan.]

B:      What should I fucking do?! [Mapapansin ang cloak]  Hindi…Hindi pwede…

[May kakatok ulit. Matataranta nang husto si B. Dali-daling huhubaran ng cloak si A at isusuot ito.]

B:    Shit naman, ang kati.

Ikaapat na tagpo

[Sa isang selda ng death convict. Isang bilanggo, si E, ang nakatayo sa tabi ng mesa, nakatutok sa orasan.]

E:      [nakatingala.] Oo ser, malapit na nga.

D:      [lalabas mula sa ilalim ng mesa, nahihilo.] No.

E:      Malapit na nga.  Lumalabas na yata konsensya ko e.

D:     [sa sarili.] Hindi pwede.  Ibig sabihin, naimbento ko ang tachyon  [takiyon]. Ibig sabihin, totoo ang spirality, mali si Forward!  Mali si Hawking!  Mali si Einstein!  Ibig sabihin, posible ang teleportasyon!  Ang time travel!  Hahahaha.  [mahihilo] Yosi… [bubunot ng sigarilyo mula sa kanyang bulsa at sisindihan ito.  Patay sindi siya simula dito]

E:      Ser, naman. Pati ba naman konsensya ko, baliw?

D:      Information and beings separate as particles in midtravel, reassembling upon arrival to the time-space destination.  Kaya pala siya nahilo… Hindi pwede… No, no, no.  Teka, nasaan ako?  Sino ka?

E:      Ikaw ang sino! Demonyo ka ba at sinusundo mo na ako?

D:      Hinde. Bakit, kailangan ba?

E:      Oo nga ano.  Teka, maupo muna kayo.  [bibigyan niya ng upuan si D]

D:      [sa sarili]  By travelling through space-time I risk polluting the space time continuum.  [mauupo]  [sa sarili pa rin]  Dahan dahan dapat ang kilos ng, uhm, chrononaut – oo, tama, chrononaut ang itatawag ko sa kanila – dahan dahan dapat ang kilos nito para maiwasan ang isang historical paradox.  [siya ay bubunot ng isang PDA mula sa kanyang bulsa at magsisimulang mag-input ng kung anu-ano]  gumagana pa siya!

E:      Ah, eh, ma’am?  Maitanong ko lang po…  San po ba ang punta ko pagkatapos nito?

D:      Teka.  Pwede ba?  [Patuloy siyang magpipipindot.]

E:      Ano po yun?

D:      [matitigilan]  Wag ka munang magtanong.  [magpapatuloy sa pag-input]

E:      Ah, eh, sorry po.  [susubukan niyang silipin ang mga nakainput sa PDA ni D at magsasabi sa sariling:]  Baka sinisingil na ako nito.  Parang listahan ng last two, pero hightech!

D:      [huhubarin ang time cloak at ilalagay sa mesa]  Sinunod niya Nasunod ang disenyo ko.

E:      Oi! [lalapit sa cloak, at susubukang hawakan ito] Bagong jacket!

D:      Don’t touch that!  Layo! Layo! Naku, hindi mo lang alam kung anong mangyayari sakaling mabago ang sinulid ng space time continuum.

E:      Sino ba yang kon-ting-yum na yan?  Ang gulo niyo namang kausap!

D:      As far as my referential frame is concerned, only minutes have passed, to the one outside mine, however, who knows.  Nonetheless, both time frames are correct, depending on which referential frame is observed.

E:      Mam, ano po bang nangyari sa inyo?

D:      Please.  Wag ka munang magulo.  Sandali lang to.

E:      Eh, medyo… di bale po.  Mukhang di rin po kasi kayo sigurado kung ano ang ginagawa niyo dito eh.  [lilipat ng puwesto si E, tatayo at pupunta sa gawing kabila ng entablado]  Eh, buti kung may oras pa.

D:    [Magkakaroon ng katahimikan sa dalawa, habang titingin-tingin ang inmate sa relo]  Pasensya, pasensya.  Hindi ka siguro maniniwala sa akin kung sasabihin ko kung ano talaga ang sadya ko rito.

E:    Hmmm.  Hindi naman kailangan mam eh.  [sa sarili] Dalawa lang yan e, konsensya kita, o mas modern na bersyon ni kamatayan.

D:    Ha? Nasan ba ako?

E:    Deathrow.  Matatapos na po ang lahat para sa akin sa ilang minuto.

D:    Shit.  Seryoso?

E:    Deadline ko na.  [katahimikan.]  Ano nga po pangalan niyo, miss?

D:    [habang mag-iinput] Tawagin mo na lang akong doc.  [sa sarili] Napakarandom naman ng napuntahan ko.  Hindi ko pa rin hawak ang control sa direction.  Mahirap to.

E:    Doc, di ka ba pinadala para iligtas ako?

D:    Ha?

E:    Wala na akong oras.  Kung isasalba mo sana ako… Kung pwede sana magkaroon ng pag-asa para itama ang mga pagkakamali ko… Hindi ito… Hindi ang pagpatay sa tao ang magpapabago sa kanya. Narinig mo naman siguro yung tungkol sa –

D:    No!  Wag mong ikukuwento sa akin.  The knowledge of this timeframe, wala akong dapat malaman mula sa panahong ito!  Baka may mga irreversible changes sa pattern ng space-time history!   Wag mong ikwento!  [susubukan niyang lumayo mula kay E habang sinasabi niya ito]

E:    Matanong ko lang po.

D:    [irerecord ang sariling boses sa PDA device] Even if one attempts to control space-time travel, time, the universe itself will prevent itself from creating the paradoxes of history and the conservation of mass-energy, it will create a means to balance this change.

E:    Wag niyo pong mamasamain, doc – pero may magagawa pa ba ako para baguhin ang nakaraan ko?

D:    [Magpapatuloy sa pagrecord] May safety sa space dimension na napuntahan ko, dahil nasa loob ako ng selda ng isang death convict, mamamatay na siya – walang makakaalam tungkol dito, at walang magbabago sa space-time history.

E:    [sa sarili]  Ibig sabihin, pag sinuot ko ang ginagamit niyang jacket – dalawa lang ang pwedeng mangyari, mamamatay akong suot ito o malilipat ako sa isa pang lugar.

D:    [magpapatuloy pa rin sa pagrecord] malapit nang magrecharge ang Chronocloak.  Makakaalis na ako.

E:    Makakaalis na ako. Oras na.

D:    [sa sarili pa rin]  Oras na.  Alas tres, malapit na.  Ilang minuto na lang.  Mukhang nakukuha ko na ang pattern.  Pagdating ko sa isang panahong iyon babaguhin ko ang controls.

E:    Doc?

D:    [sa sarili pa rin]  No.  The space-time direction is in need of constant monitoring from the part of the moving temporal explorer.

E:    Doc?  [magsisimulang lalapit si E kay D]

D:      Anyone observing this travel from space-time A to space-time B –

E:    Doc!

D:    Ano?! Punyeta! [sa sarili ulit] Even if I do manage to travel to a different time, two possibilities may possibly occur.  One being –  [lalapit si E kay D habang nagsasalita ito at babaliin ang leeg niya, na siyang ikakamatay ni D.]

E:    MAKINIG KA KASI!!!

[magpapanic si E, at isusuot ang cloak.]  [Lights fade]

Advertisements

~ by saikow on January 21, 2008.

2 Responses to “play”

  1. ahahaha! i remember this one! hmmmmmm… it all seemed like yesterday…. X_x hahaha!

  2. ano ba yan! january pa pala toh napost! update mo naman to oist! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: